Kahit minsa'y ‘kenkoy’ sumagot si “Eat Bulaga” host-comedian Joey De Leon ay may makukuha pa rin daw na aral mula rito, sey ni Lolit Solis.

Sa Instagram post ni Lolit nitong Miyerkules, Disyembre 14, sinabi niya na marami raw napulot na 'words of wisdom' ang mga showbiz writers sa naganap na media conference para sa pelikulang “My Teacher," isa sa mga entries sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).

"Talagang iyon words of wisdom makukuha mo sa mga beterano sa showbiz, Salve. Tignan mo at ang dami ng napulot ng mga showbiz writers sa sandaling chikahan nila kay Joey de Leon," sey ng talent manager.

"Kahit komedyante si Joey iyon mga sinasabi niya regarding mga issues seryoso. At kahit pa nga kung minsan pa kenkoy ang pagsagot niya tiyak may laman iyon kaya may makukuha kang aral," dagdag pa nito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Very supportive rin daw si Joey sa mga pryoektong ginagawa nito kaya naman binibigyan ng aktor ng panahon para ipromote ang movie niya.

Kasama niya sa pelikulang "My Teacher" siUltimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano.

Samantala, aminado rin si Joey na nagtampo siya kay Toni nang umalis ito sa nabanggit na noontime show kung saan ito nagsimula, at lumipat sa karibal na network na ABS-CBN.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/12/13/joey-de-leon-aminadong-nagtampo-kay-toni-gonzaga-nang-layasan-ang-eat-bulaga-lumundag-sa-abs-cbn/

Naniniwala rin ang Eat Bulaga host na“powerful celebrity” ang aktres.

Sinabi ni Joey na para sa kaniya, powerful si Toni dahil hindi ito nagpatinag sa “cancel culture” at bashing na natanggap niya, simula nang magpahayag siya ng pagsuporta sa kandidatura ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at sa katunayan ay naging host pa siya mismo ng proclamation rallies at sorties nito.

“Mali naman kasi mga bashers nyo, eh… ang sinasabi ni Paul doon sa kabuuan, sabi niya equally powerful yung mga tumitira rito kay Toni.”

Basahin:https://balita.net.ph/2022/12/14/joey-de-leon-aprub-sa-sinabi-ni-direk-paul-soriano-na-most-powerful-celebrity-today-si-toni-gonzaga/