Game na game na kinanta ni Miss Earth 2022 Mina Sue Choi ang 2021 hit ni Zack Tabudlo na “Pano” dahilan para lalo pang hangaan ng Pinoy netizens ang South Korean beauty queen.

Bago nito, una nang naispatang pinakikinggan ng 24-anyos na titleholder ang kanta kasunod ng ilan niyang Instagram stories kamakailan.

Basahin: Basahin: Mina Sue Choi, 24, ng South Korea, kinoronahang Miss Earth 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

At nito ngang Linggo, Dis. 12, ipinamalas nga ni Mina ang kaniyang itinatagong singing talent.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa 24 segundong clip, cute na cute na binigkas at kinanta ng Korean beauty queen ang Tagalog song ni Zack.

Agad na kinagiliwan ng fans ang anila’y hindi inaasahang treat ni Mina lalo na sa mga Pinoy.

“You're so cute and sweet, Queen Mina! 🌻👑🥰” komento ng isang Pinoy fan.

“You can learn Tagalog from Sandaran Park Mina,” paghikayat pa ng isang fan sa kilalang Pambansang Krung-Krung ng Pilipinas.

“Oh my. She knows to sing Tagalog song. Impressive!”

“What can we ask for? What a talented Queen!👑❤️❤️

“That was so cute. Well done! Queen Mina Sue Choi from our very own Miss Earth 2022.🥰

“Nice one Miss Mina!! You can be a KPop singer too!!”

“Wow queen!😍😍You learn tagalog song so quick. Keep it up!😊🥰

“So proud of you Queen,you have it all!”

“Wow beauty, brain and talent!”

“Yaaay ang galing!😍♥️

Hindi naman kataka-taka ang hilig sa pagkanta ni Mina. Bago pa kasi kinoronahang Miss Earth winner, una na ring kinagiliwan ang beauty queen sa kaniyang pagkanta habang ini-enjoy ang ilang pre-pageant activities sa bansa.

Basahin: Panuorin: Game na game na pagkanta ni Miss Earth Korea ng 2NE1 hit na ‘I Don’t Care’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matapos manatili sa Pilipinas ng halos isang buwan para sa prestihiyusong kompetisyon, aminado si Mina na napamahal na siya sa kultura, higit lalo na sa mga Pilipino.