Nagpasalamat ang “Miss Q&A” Season 1 Grand Winner na si Juliana Parizcova Segovia sa bashers niya na patuloy na nag-eengage sa kaniyang mga post dahil lumalaki raw ang kita niya.

"Bash is CASH," sey ni Juliana sa kaniyang Facebook post.

"Ang taas ng engagement ng post kong to,grabe kayo bashers laki ng kinita ko dahil sa inyo,pls walang hihinto,mag recruit pa kayo,maging active kayo bawat post ko,PAYAMANIN NYO PA KO NG BONGGA," tila pang-aasar pa nito.

"So alam nyo na bat hnd ako napipikon,mapipikon pa ba ko kung kumikita ako dahil sa inyo?..oh loko. PERO SRSLY THANK U BASHERS,sa bwat comment nyo nag a-up ang post ko,sa bawat share nyo umiingay ako lalo..keep goin..promise mamahalin ko pa kayo ng bongga," dagdag pa niya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"PS: sorry kung ako lang kumikita kayo hindi. Saet?..."