Matapos ang matagumpay na “Iconic” tour ng duo na sina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez sa North America noong Hulyo ngayong taon, magbabalik ang musical treat sa parehong bansa sa susunod na taon.

Ito ang inanunsyo na ni Megastar sa kaniyang Instagram post kamakailan.

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“See you again in MARCH, America!!! Thank you for all your requests for a repeat concert tour! We love you!!!” mababasa sa Instagram post ni Megastar noong Dis. 8.

Una nang nagtanghal ang iconic duo sa sa North America noong Hulyo 9-24.

Basahin: ‘Iconic’ tour ni Megastar, Songbird sa North America, matagumpay! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngayon pa lang, nagpahayag na ng excitement ang maraming fans para sa muling handog ng dalawang icons.

Basahin: Songbird, ‘Solo’ sa apat na araw na concert sa Pebrero 2023 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, sa kamakailang Aliw Awards 2022, itinanghal ang “Iconic” concert nina Mega at Songbird bilang “Best Major Concert” ngayong taon.

Sa pag-uulat, wala pang anunsyo kaugnay ng pagbubukas ng ticket selling para sa nasabing concert.