Ibinahagi ng social media personality na si Valentine Rosales ang procedure na kaniyang pinagdaanan para sa "new look" na kaniyang ina-achieve, sa kaniyang mata at labi.

Sa kaniyang Facebook post noong Disyembre 10, pinasalamatan ni Valentine ang mga espesyalista na nagsagawa ng medical procedures sa kaniyang eyelids at upper lip.

"Thank you Doc Shastine Reyes and Papi Jack Salvador of Kontur Aesthetics for the transformation and the new look!"

"Procedures done: Non Incisional Double Eyelid Surgery to make my eyes look bigger and brighter!"

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Joker Smile - Upper lips Augementation reshaping my upper lip to a sexier shape with a more upturned lip corner," aniya sa caption. Kalakip nito ang "before and after" photos niya.

Screengrab mula sa FB ni Valentine Rosales

May mensahe naman si Valentine sa bashers at haters niya.

"Buhay ko to! Puwede ka mainis, pero bawal kang mangialam," aniya.

Screengrab mula sa FB ni Valentine Rosales

Unang narinig ang pangalan ni Valentine nang masangkot sila ng mga kaibigan sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa New Year's Eve ng 2021 kung saan natagpuan siyang walang malay sa isang bathtub sa isang hotel sa Makati City.

Naabsuwelto naman sila sa kaso dahil sa mahinang ebidensiyang may kinalaman sila sa pagkamatay ng dalaga.