Napa-react ang motivational speaker, fitness coach, at social media influencer na si Rendon Labador sa pagsailalim ng social media personality na si Valentine Rosales sa procedures para ipaayos ang kaniyang eyelid at upper lip.

Unang narinig ang pangalan ni Valentine nang masangkot sila ng mga kaibigan sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa New Year's Eve ng 2021 kung saan natagpuan siyang walang malay sa isang bathtub sa isang hotel sa Makati City. Naabsuwelto naman sila sa nakaambang kaso ng ina ni Christine sa kanila dahil sa mahinang ebidensiyang may kinalaman sila sa pagkamatay ng dalaga.

Naging madalas na rin ang pagpapahayag ng reaksiyon at komento ni Valentine sa iba't ibang mga isyu o intriga, sa showbiz man o sa politika.

Sa kaniyang Facebook post noong Disyembre 10, pinasalamatan ni Valentine ang mga espesyalista na nagsagawa ng medical procedures sa kaniyang eyelids at upper lip.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

"Thank you Doc Shastine Reyes and Papi Jack Salvador of Kontur Aesthetics for the transformation and the new look!"

"Procedures done: Non Incisional Double Eyelid Surgery to make my eyes look bigger and brighter!"

"Joker Smile - Upper lips Augementation reshaping my upper lip to a sexier shape with a more upturned lip corner," aniya sa caption.

May mensahe naman si Valentine sa bashers at haters niya.

"Buhay ko to! Puwede ka mainis, pero bawal kang mangialam," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/13/valentine-rosales-dumaan-sa-transformation-may-mensahe-sa-mga-pakialamera/">https://balita.net.ph/2022/12/13/valentine-rosales-dumaan-sa-transformation-may-mensahe-sa-mga-pakialamera/

Nagkomento naman si Labador sa ulat ng Balita Online tungkol dito.

"Mensahe ko sa kabataan: I-consider ninyo munang baguhin ang perspective ninyo bago ninyo baguhin ang pagmumukha ninyo."

"Hindi ako against sa ganyan pero representation kasi 'yan na hindi ninyo tanggap ang sarili ninyo o naghahanap kayo ng validation sa ibang tao. Paki-tama n alang kung mali ako."

Screengrab mula sa Balita Online

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Valentine tungkol dito.