Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang panghaharana ng aktor na si Marco Alcaraz sa mga kandidata ng isang beauty pageant na ginanap sa isang pista, dahil sa sintunado umano nitong tinig at paraan ng pagkanta.

Nagtataka ang mga netizen kung bakit si Marco pa raw ang piniling mangharana sa mga kandidata gayong hindi naman ito singer. Napag-alamang isa sa mga hurado ang misis nitong beauty queen-turned-actress na si Precious Lara Quigaman. Naisip ng mga netizen, tutal ay magkasama na rin lang, baka nakayag na rin si Marco na mag-alay ng awitin sa mga beuconera.

Komento naman ni Ogie Diaz, sana raw ay magsilbing araw na ito kay Marco sa pagtanggap ng mga raket.

"Siyempre may mga ebidensya. May mga resibo na 'yan. Kung napakahusay naman ng tinig ni Marco Alcaraz, malamang 'yan maba-viral 'yan. Maba-viral lalo kapag palpak ang boses, sintunado," ani Ogie.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Magandang lesson ito para sa mga actors natin na tumatanggap ng raket. Make sure lang na 'pag kakanta kayo ng solo, 'wag na kayong manghaharana. Lalo na 'yung mga babae. Gusto nila naririnig magagandang tinig. Mas gusto nila singer talaga hindi yung actor na acting ang kayang gawin. May resibo nga… next time ba kukunin ulit siya matapos mapanood 'yan…"

Sabi pa ni Ogie, sana nga lang daw ay lasing lang si Marco nang mga sandaling iyon, para may tsansa pa siyang bumawi kung sakaling mapakiusapan siyang mangharana ulit ng mga kandidata sa isang pageant.

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Marco tungkol dito.