Kinakiligan sa social media ang panibagong kissing scenes nina Jane De Leon at Joshua Garcia sa "Mars Ravelo's Darna The TV Series" kung saan ipinagtapat na mismo ni Narda ang kaniyang nararamdaman para kay Brian; gayundin, nagpakilala na rin siya rito bilang si Darna matapos iligtas.

Makikitang si Narda na kaagad ang sumunggab ng halik kay Brian matapos niyang ipagtapat ang kaniyang nararamdaman para sa binatang pulis. Ani Narda, ayaw na niyang masayang ang mga oras at araw na anumang sandali ay maaaring mapahamak dahil sa kaniyang trabaho si Brian.

Matapos ang kissing scene, nag-transform bilang Darna si Narda at binitbit sa alapaap si Brian at doon naglambingan.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Ikaw na talaga Darna! Iyan ang tunay na palaban!"

"Palaban talaga si Darna hahaha."

"Sino dito nakangiti lagi habang nanonood nung nalaman na ni Brian na si NARDA AT DARNA ay iisa?"

"Yay finally!!! Ito na yung scene na matagal ko nang inaantay na malaman na ni Brian na si Narda at Darna ay iisa aaaaaaa shessshh. Sobraaang nakakakilig yung part na 'to. Huhu sana ganito na lang lagi ang scenes kada ep puro kilig moments lang nila hahahahhaha para masaya lang ako lagi."

"Sobrang ganda ng episode today. One for the books talaga and finally magiging masaya na si Narda and Brian. Nakakainlove lang and dalwang ito. Tagos ang chemistry. Thank you ABS and JRB."

Matatandaang pinag-usapan din ang unang kissing scenes nina Joshua at Jane bilang magkatambal sa action-fantasy series.

Pero bago 'yan, nauna munang naging trending ang kissing scenes nina Joshua at Janella kaya naman binansagan ang Kapamilya actor bilang "Higop King" at "Mukbang King".

Mapapanood ang episode na ito sa ">YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.