Usap-usapan ngayon sa iba't ibang social media pages ang umano'y napipintong pagganap ni Kapamilya stra Andrea Brillantes bilang "Dyesebel" sa 2023, na susunod na gagawing proyekto ng ABS-CBN pagkatapos ng "Mars Ravelo's Darna The TV Series" ni Jane De Leon.

Si Blythe nga raw ang gagawa ng remake ng naturang fantaserye matapos itong gampanan ni Anne Curtis noong 2014. Ito ay isa pang likha ni Mars Ravelo na siya ring may likha kay Darna, Captain Barbell, at Lastikman.

Andrea Brillantes, Mama Loi, Dyosa Pockoh, at Ogie Diaz (Screengrab mula sa Ogie Diaz Showbiz Update)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nag-congratulate pa nga ang showbiz columnist na si Ogie Diaz tungkol dito, ayon sa kaniyang Showbiz Update. Naibida pa ni Ogie na kasama siya sa Dyesebel na ginampanan ni Anne. Bago si Anne, ang unang gumanap na Dyesebel ay si Marian Rivera sa GMA Network noong 2008.

Marami raw nagtatanong kung marunong daw bang lumangoy itong si Andrea. Sa pagkakaalam ni Ogie ay marunong naman daw si Blythe dahil diver din ang ina nito. Makikita raw sa IG ni Andrea ang kaniyang swimming sessions kaya praktisado na umano ang aktres sa paglangoy.

Wala pang kumpirmasyon mula sa pamunuan ng ABS-CBN kung matutuloy ba sa 2023 ang proyektong ito.