Ibinahagi ng voice talent na si Kathleen Kaye Sone o "Voiceover Flowers" ang engkuwentro niya sa namayapang "Pilipinas Got Talent (PGT)" season 1 Grand Winner Jovit Baldivino nang maging magkatunggali ang kanilang mga team sa isang episode ng "Family Feud PH".

Makikita sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Disyembre 9, ang litrato nila ni Jovit bago magsimula ang kanilang laban.

"Gone too soon," aniya.

"Thank you for sharing your talent, Jovit Baldivino! My sincerest condolences po sa family."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinatotohanan din ni Kathleen kung gaano ka-humble ang yumaong singer nito lamang Disyembre 9 dahil sa brain aneurysm.

"Before and during our game sa Family Feud palagi niyang sinasabi, 'Good luck sa'tin!', 'Uy, enjoy lang tayo ha.' He was so kind and friendly," ani Kathleen.

Jovit Baldivino at Kathleen Kaye Sone (Screengrab mula sa FB ni Voiceover Flowers)

Nagbigay rin ng tribute ang Family Feud para sa yumaong singer.