Nagkomento ang motivational speaker/fitness coach/social media influencer na si Rendon Labador sa isyu ng pinag-uusapang pa-blind item ni actress/TV host/vlogger Alex Gonzaga tungkol sa isang "artistang matandang" nambulyaw at namahiya umano sa kaniya sa isang taping, noong siya ay 21 anyos pa lamang.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/05/alex-gonzaga-tinalakan-daw-ng-isang-artistang-matanda-noon-i-was-so-traumatized/">https://balita.net.ph/2022/12/05/alex-gonzaga-tinalakan-daw-ng-isang-artistang-matanda-noon-i-was-so-traumatized/

Makikita ang komento ni Labador sa ulat ng Balita Online tungkol dito. Inaya niya ng 'no holds barred interview' si Alex Gonzaga para daw magkaalaman na.

"Alex gusto mo interview kita para mag kaalaman? Kung totoo yang sinasabi mo. NO HOLDS BARRED INTERVIEW. Sa totoo lang tayo," ani Labador.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tila may hamon din si Labador kay Alex.

"Mahirap sa inyo puro kayo blind item. Walang credibility diyan. Sabihin mo kung sino," aniya.

Screengrab mula sa Balita Online

Matatandaang nagkakaisa ang mga netizen na baka ang tinutukoy raw niya ay ang premyadong aktres na si Dina Bonnevie, kaya naman nag-trending sa Twitter ang "Team Dina".

Sa podcast ni Alex na "Ano na Catherine?" na mapapanood din sa kaniyang YouTube channel, tinalakay ni Alex sa vlog na lagi siyang "bad guy" sa paningin ng lahat dahil sa kaniyang "maingay" at palabirong personalidad.

Sa bandang dulo ay nabanggit ni Alex ang kaniyang engkuwentro sa isang senior star, noong siya ay nasa edad 20 o 21.

"So there was a time, when I was in early 20s, mag-21 ako, I was so traumatized, pinagsisigawan ako ng isang artistang matanda… pinagsisigawan niya talaga ako from head to foot, everything, kasi akala niya galing ako sa bahay late lang ako, hindi niya alam na galing ako sa work kasi siguro hindi sinabi sa kaniya," ani Alex.

"And then after how many years, she's painting me as the bad guy, na deserve ko. Yung pinapanood ko, I think hindi ako 'yan, pero parang yung kuwento ko ang sinasabi niya, pero mali yung kuwento niya. Di ba may mga gano'n? May mga tao na who did you wrong, or who traumatized you, and then you don't even talk about it, parang you would just let it be, and then pag sila pa ang nagkuwento, sila pa yung mabait, ikaw pa yung masama, parang ibang-iba na yung kuwento."

"So naisip ko, anong kailangan kong gawin kapag ganoon? And then ang daming umaagree… wala… kasi alam ko naman yung katotohanan eh," ani Alex.

Walang binanggit o tinukoy na pangalan o gender si Alex kung sino ba ang tinutukoy niyang artistang matandang nambulyaw sa kaniya, subalit naniniwala ang mga netizen na si Dina ito, batay na rin sa kumakalat na video ng naging panayam sa beteranang aktres noong 2018, tungkol sa isang "starlet" na napagsabihan niya noon.

"Talagang sinabihan ko siya, 'Who do you think you are? Are you famous? Who are you? What name have you made? Have you carved your name in stone in showbiz? Your call time is 9:00 and you come down from your van at 12:00 na naka-pajama? Really? Sabi ko sa kaniya, 'Hindi pa pinapanganak ang babastos sa akin'. If you want to continue taping this soap like this, do it yourself…"

Nang sabihan daw siya na isusumbong siya nito sa nanay niya, "Sige papuntahin mo rito, mag-showdown kami ng nanay mo…"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Dina o maging si Alex tungkol sa isyung ito. Hindi pa rin tumutugon si Alex sa panawagan sa kaniya ni Labador.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/10/dina-bonnevie-artistang-matandang-tinutukoy-raw-ni-alex-gonzaga-na-tumalak-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/12/10/dina-bonnevie-artistang-matandang-tinutukoy-raw-ni-alex-gonzaga-na-tumalak-sa-kaniya/

Matatandaang inalok din ni Labador ng panayam ang komedyanteng si Dennis Padilla kaugnay ng pagkadismaya nito sa hanggang ngayon ay hindi pa rin natutuloy na panayam sa kaniya ni ABS-CBN news anchor Karen Davila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/04/dennis-ako-mag-interview-sayo-para-mawasak-yang-mga-yan-no-holds-barred-interview-labador/">https://balita.net.ph/2022/12/04/dennis-ako-mag-interview-sayo-para-mawasak-yang-mga-yan-no-holds-barred-interview-labador/