Napagtanto raw ng action star na si Jeric Raval na kasalanan ang mambabae kaya sa kasalukuyang estado niya sa buhay sa edad na 47, ay patingin-tingin na lamang daw siya at huminto na sa ganitong gawain.

Inamin ni Jeric na marami siyang naging nobya noong kabataan niya, sa showbiz o non-showbiz man, pag-amin niya sa naganap na story conference para sa upcoming movie niyang “Lanao” na ginanap sa Pandan Asian Cafe sa Morato, Quezon City noong Disyembre 7.

Ani Jeric, noong 2004 pa raw niya napag-isip-isip na hindi tama ang ginagawa niyang pambababae. Nakakaubos lang daw ito ng panahon para sa pamilya.

“Kasalanan ang mambabae. Na-realize ko na hindi pala tama ang mambabae. Nauubos lang kasi yung panahon na dapat sana ay sa family at anak mo. Narealize ko yan mga year 2004," ani Jeric.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Masasabi raw ni Jeric na maayos naman daw ang ugnayan ng kaniyang mga ex, lalo't aabot daw sa 18 ang kaniyang mga anak sa kanila.

“Yung huli magkaka-edad. Sabay-sabay kasi nanganak eh. Alam naman ng lahat yun eh. Dati tinatago ko yun eh dahil nahihiya ako noong araw," pag-amin pa ng action star na may limang anak na 22 ang edad.

Tinitiyak naman daw ni Jeric na good provider siya sa lahat ng mga anak niya, kaya hindi rin siya tumitigil sa pagkayod at in fairness naman ay aktibo pa rin siya sa showbiz.