Laugh trip ang dulot ng isang Facebook post ng netizen na si "Ken Ye Ong" dahil sa kaniyang kakaibang "raket" o sideline ngayong nalalapit na ang Pasko.

Mababasa ang kaniyang pabatid sa Facebook page na "Homepaslupa Buddies 3.0" kung saan maaari daw siyang i-book bilang "Fake BF For Christmas" para sa mga single na dadalo sa family reunion at wala pang maipakikilang jowa.

"Gipit ako. Book now!" pabirong caption ni Ken.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Larawan mula sa FB page na Homepaslupa Buddies 3.0

Mababasa sa kaniyang post ang tatlong package na offer niya umano.

Ang package 1 na may halagang ₱10K ay may inclusion na 3 oras, naka-casual attire, at pagtawa sa biruan ng pamilya.

Ang package 2 naman ay nagkakahalagang ₱15K. Limang oras siyang maaaring makasama, naka-semi formal attire, at may "with enough family engagement".

Package 3 naman na ₱20K ay pitong oras, naka-formal attire, magdadala ng pagkain para sa pamilya ng nagbayad, papayag na magyakapan, magholding hands, humalik sa pisngi, at magsabihan ng "I love you" sa harapan ng pamilya.

Kung nais naman daw na may halik sa pisngi, magdadagdag lamang ng ₱1K at isa pang ₱1K kung magdadagdag ng oras.

"Negotiable terms and conditions," dagdag pa niya.

Marami naman ang tila "pumatol" sa kaniyang alok, batay sa comment section.

"Last price na po ba? Hahaha."

"Mode of payment po? Hahaha."

"Sana may buyers remorse po pag unsatisfied ang customer?"

"May senior discount po ba papi?"

"PACKAGE 4 : 25,000 Patanggal ka ng tattoo sa katawan kasi need mo maghubad dahil mag swimming kayo with family."

Biro lamang ito subalit hindi makapaniwala si Ken na aabot sa 14K reactions, 928 shares, at 2K comments ang kaniyang FB post.

Kung sakaling totoo ito, kakasa ka ba sa alok na packages ni Koya?