Ibinida ng direktor-abogado na si Atty. Vince Tañada na nagsisimula na sila sa shooting ng kaniyang bagong pelikulang "Project ASN" na tatapat umano sa "Martyr or Murderer" ni Direk Darryl Yap sa 2023.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/29/part-2-pelikula-nina-direk-darryl-atty-vince-muling-magsasalpukan-sa-2023/">https://balita.net.ph/2022/11/29/part-2-pelikula-nina-direk-darryl-atty-vince-muling-magsasalpukan-sa-2023/

Ibinahagi ni Atty. Vince ang litrato ng duguang si Marlo Motel sa kaniyang Instagram post noong Disyembre 9. Pinuri ng direktor ang naging performance ni Marlo.

"Precise and passionate acting from @marlomortelmusic …excited to see our film #ProjectASN," aniya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Tumugon naman dito si Marlo, "Had a blast direk!"

Ibinahagi rin ni Marlo ang litrato nila ni Atty. Vince sa kaniyang sariling Instagram account.

"Last day! Better get messy," caption niya.

Sa opisyal na Facebook page ng "Philippine Stagers Foundation", ang theater group ni Tañada, makikita ang isang proyektong niluluto nila, na may pamagat na "Project ASN". May hashtag itong "HEROINALLOFUS". At mukhang sa yellow ribbon at kulay dilaw na letrang N ay mukhang patungkol ito kay dating senador Ninoy Aquino, na magiging tema rin ng MoM.

"We Remember" 🎗," saad sa caption.

Nagkomento rin dito ang "Best Supporting Actor" ng FAMAS at isa sa cast member ng Katips na si Johnrey Rivas.

"Oh yeaaaahhhh!!!" aniya.

"Lalaban at mananaig pa rin ang Kabutihan kaysa sa Kasamaan," komento naman ng isang netizen.

Samantala, wala pang detalyeng ibinabahagi ang direktor-abogado tungkol sa buong casting ng pelikula, maliban kay Marlo.

Una nang nagkatapatan sa takilya noong Agosto ang "Maid in Malacañang" at "Katips".