Nagsanib na ng puwersa ang Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police-Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) sa Davao Region laban sa tumataas na kaso ng tinatawag na “online love scam."

Dahil dito, paiigtingin na ng BOC-Davao at RACU 11 ang pagpapalaganap ng impormasyon upang balaan ang publiko laban sa online fraudulent scheme.

Sa naturang "love scam" o parcel scam, tinatawagan, tine-text at nagpapadala ng email sa mga bibiktimahin ang mga sangkot sa panloloko, kaugnay sa kargamento o package na sinasabing matatanggap ng mga ito.

“However, payment is needed to get the package that is allegedly being held by the Bureau of Customs. The gift, however, does not exist,” ayon sa BOC.

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

Sa rekord ngBOC-Davao Port-Public Information and Assistance Division, umabot na 100 ang naging biktima ng scam hanggang nitong Oktubre.

Binanggit din na ilang biktima pa ang nahihiyang magreklamo sa mga awtoridad matapos silang nang matangayan sila ng hanggang₱35,000.

“More people fall victim to this online fraudulent scheme where foreigners befriend Filipinos and engage them in romanticrelationships,” dagdag pa ng BOC.

Philippine News Agency