Nag-aalok na ngayon ng abot-kayang presyo ng karne ng baboy, manok at baka ang mga Kadiwa center sa Quezon City, ayon sa pahayag ng Malacañangnitong Sabado.
Sa ulat ng Department of Agriculture (DA) sa Office of the Press Secretary (OPS) nitong Sabado, bukod sa mga fresh meat, mabibili rin ang processed meat products sa mga Kadiwa outlet sa Quezon City.
Iniaalok ng mga nasabing tindahan ang ₱200 kada kilo ng karne ng baboy,₱160 naman sa bawat ng kilo ng manok at₱195 sa bawat kilo ng karne ng baka.
Pumapalo lang sa₱60ang bawat 300 gramo ng pork hamonado, chicken longganisa, pork tocino, at pork tapa.
Ibinebenta naman sa ₱70 ang kada 300 gramo ng beef tapa,₱160 sa kada kalahating kilo ng BBQ (on stick),₱175 kada kalahating kilo ng BB liempo at ₱162 naman sa kada kahalating kilo ng pork chop BBQ.
Kaugnay nito, nanagawannaman ang ilang netizens na sana ay magtayo rin ang DA ng mga Kadiwa store iba't ibang lalawigan, hindi lang sa Metro Manila, upang tangkilikin nang husto ng publiko.