Binigyang-pugay ng comedienne-singer na si Kakai Bautista ang namayapang "Pilipinas Got Talent" season 1 Grand Winner na si Jovit Baldivino, matapos niyang ibahagi sa kaniyang social media ang video ng paggaya niya sa singer, sa isang edisyon ng "Your Face Sounds Familiar".

Matatandaang namayapa si Baldivino nitong madaling-araw ng Disyembre 9, matapos ma-comatose dulot ng blood clot sa kaniyang utak, na hinihinalang brain aneurysm.

Bago ang balita ng pagpanaw, itinuwid muna ng kaniyang partner na si Camille Ann Miguel ang mga kumalat na tsikang nag-collapse daw si Jovit habang nasa isang event sa Batangas. Kinumpirma niyang isinugod sa ospital si Jovit subalit hindi aniya totoong hinimatay ito.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Jovit nang kumpirmahin nila ang pagkamatay nito. Kumakalat sa social media ang mga huling litrato at video nito, bago naganap ang lahat.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kaniyang Instagram post, muling sinariwa ni Kakai ang naging performance niya bilang Jovit Baldivino sa YFSF.

"Pre’ napakabilis naman. Maraming salamat sa napakahusay at magandang musika mo. Hinding-hindi ko 'to nakakalimutan kasi paulit-ulit ka na 'kaya mo 'yan' bago tayo magperform. Kasi sobrang kabado ako ang hirap mong gayahin!!! Salamat sa kabutihan mo."

"You will be remembered and missed. Prayers for you and your Family. May you rest in peace," ani Kakai.