Nagbigay ng saloobin ang komedyanteng si Kiray Celis sa dahilan ng pagkamatay ni "Pilipinas Got Talent" season 1 Grand Winner at singer na si Jovit Baldivino, nitong madaling-araw ng Disyembre 9.

Napag-alamang dumalo pa rin si Jovit sa isang event kahit napagsabihan na umano ng doktor na magpahinga na lamang, ayon sa inilabas na opisyal na pahayag ng kaniyang pamilya. Dahil daw sa hiling o request ng mga dumalo sa naturang party, napakanta pa raw si Jovit kabilang ang "Faithfully" na naging trademark niya sa nabanggit na talent reality competition.

Ilang oras ang nakalipas, napansin daw na tila na-deform at tumutulo na ang laway ni Jovit habang nakaupo lamang, kaya isinugod na siya sa ospital.

Nag-post pa ang partner ni Jovit na si Camille Ann Miguel at pinabulaanan ang mga fake news na nag-collapse ang singer kaya isinugod sa ospital.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/06/pgt-season-1-winner-jovit-baldivino-naospital-pero-di-nag-collapse-sey-ng-misis/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/06/pgt-season-1-winner-jovit-baldivino-naospital-pero-di-nag-collapse-sey-ng-misis/

Batay sa CT scan, lumalabas na may blood clot o bara ang kaniyang utak, o brain aneurysm. Ilang araw din umanong nasa comatose condition ang singer.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/09/jovit-baldivino-na-comatose-ng-5-araw-bago-pumanaw-ayon-sa-pamilya/">https://balita.net.ph/2022/12/09/jovit-baldivino-na-comatose-ng-5-araw-bago-pumanaw-ayon-sa-pamilya/

"Pinagbawalan na pala si Jovit kumanta, pero may mga nag-request kaya ginawa niya," ani Kiray sa kaniyang Facebook post.

"HIRAP rin po talagang maging performer o artista…"

"Kapag tumanggi ka sa gusto nila, mayabang o nagbago ka na."

"Yung kahit malungkot ka, dapat masaya ka sa paningin nila."

"Kahit antok ka dapat hyper ka sa kanila."

"Kahit gutom ka dapat nakangiti ka pa rin."

"Kaya sana intindihin n'yo rin po na tao lang rin kami. Artista man o hindi, lahat po tayo may problema. Lahat tayo may pinagdadaanan sa araw araw. Kaya piliin natin umunawa. Piliin nating maging mabait."

Screengrab mula sa FB ni Kiray Celis