"CHRISTMAS PROMO. Brazilian Blowout for 888 PESOS ONLY!!!" sey ng mga netizen

Pinagkakatuwaan ngayon ng mga netizen ang hairstyle at hair color ng American singer-songwriter na si Miley Cyrus sa bagong palit nitong profile picture sa kaniyang Facebook page.

Ayon sa mga netizen, nakikita raw nila ang ganoong ayos at kulay ng buhok sa mga brochure at poster ng salon.

Bukod dito, biro rin nila na nakakuha na raw ng 13th month pay ang aktres.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Likas kasi sa mga Pinay ang nagpaparebond o nagpapaayos ng buhok tuwing sasapit ang Disyembre o 'di kaya'y nakakuha na ng 13th month pay.

Kaya naman nag-iwan ng nakakatawang mga komento ang mga ito sa naturang picture ni Miley.

"Season na talaga ng 13th month pay. Maraming salamat po Mes Hart!"

"Pengeng Gcash AteMiley Cyrus! Nakaka angat-angat ka naman sa buhay!!😂"

"LALO KA PONG BUMABATA MISS ANGEL AQUINO"

"Naol may 13th month pay na😩"

"uy nakapa-treatment na kay mes heart"

"Sa salon ko nakikita gantong pic eh😂✌️"

"Bukas lagay ko picture mo sa salon"

"Ano yan mhiee para ka namang poster ng pang kulay ng buhok HAHAHAHA"

"Buti itong si mareng Miley nakatanggap na ng 13th month pay 😂"

"Maraming salamat mes hart"

"KERATIN & MILK REBOND HOLIDAY PROMO FOR ONLY PHP 500"

"Babae sa karton ng pangkulay ng buhok"

"may bagong poster na naman sa salon hahahah"