Nagbigay ng mensahe ang Kapamilya singer na si Erik Santos para sa namayapang kaibigan na si Jovit Baldivino.

"Bigla ko naalala pagiging pasaway mo, pero palaging mangingibabaw ang kabutihan ng puso mo," sey ni Erik sa kaniyang tweet nitong Sabado, Disyembre 10.

"Maraming salamat sa pagkakaibigan, Jovit. Mananatili kang champion sa puso naming lahat," dagdag pa niya.

Kalakip ng naturang tweet ang apat na larawan na kasama niya Jovit.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/realeriksantos/status/1601520051139776512

Pumanaw ang Pilipinas Got Talent Season 1 winner na si Jovit nitong Biyernes, Disyembre 9, sa Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/12/09/singer-na-si-jovit-baldivino-pumanaw-na/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/09/singer-na-si-jovit-baldivino-pumanaw-na/

Naglabas din ng pahayag ang pamilya hinggil sa pagpanaw nito.

Inilabas ang naturang pahayag sa pamamagitan ni Jerry Telan, dating handler ng 29-anyos na singer sa Star Magic. 

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/12/09/jovit-baldivino-na-comatose-ng-5-araw-bago-pumanaw-ayon-sa-pamilya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/09/jovit-baldivino-na-comatose-ng-5-araw-bago-pumanaw-ayon-sa-pamilya/

Samantala, noong Nobyembre 25 ay malungkot na ibinahagi ni Erik ang pagpanaw ng ina.

Sa magkahiwalay na Instagram posts, Biyernes, ipinaabot ng singer sa publiko ang masakit na balita para sa kaniyang buong pamilya.

“She is finally home with Jesus.🙏🏻❤️I love you so much, Nanay,” mababasa sa IG post ni Erik kalakip ang larawan ng inang si Angelita Ramos Santos.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/25/kapamilya-singer-erik-santos-nagluluksa-sa-pagpanaw-ng-kaniyang-nanay-lits/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/25/kapamilya-singer-erik-santos-nagluluksa-sa-pagpanaw-ng-kaniyang-nanay-lits/