Nanindigan si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos nitong Sabado na dapat pag-aralan nang husto ang panukalang gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.
“Well siguro pag-aralan muna maigi kasi alam mo nakakatulong talaga. May kaibigan ako na ganyan. Pero of course baka abusuhin ito," banggit ni Abalos sa ipinatawag na press conference sa Quezon City nitong Sabado ng gabi.
Nagpahayag ng pangamba si Abalos na baka maabuso lang ito.
Kamakailan, inihain sa Senado ang panukala o ang Senate Bill 230 kung saan iminumungkahi na hindi maaaring gamitin ang marijuana sa raw form nito o kaya ay bilang dahon.
Binabanggit din na para lang sa mga kuwalipikadong pasyente ang capsule o langis nito.
Kamakailan, iminungkahi ng provincial government ng Ifugao na maaaring gamitin ang kanilang rice terraces upang pagtaniman ng marijuana sakaling maging legal na ang paggamit nito sa bansa.