Labis ang hinagpis ngayon ni Camille Ann Miguel sa pagkawala ng kaniyang partner na si Jovit Baldivino. Aniya, hindi niya alam kung paano siya magsisimula gayong nasanay siyang alagaan ang singer araw-araw.

Nitong Biyernes, Disyembre 9, bumuhos ang emosyon ni Camille sa kaniyang Facebook post.

"Asawa ko dko alam pano ulit ako mag sisimula dko alam pano ko sa araw araw😭😭😭 nasanay akong alagaan ka araw araw hintayin ka Lagi makauwe para masubuan kita kumaen 😭😭 Love sobrang hirap na naiwan akong mag isa na dko alam pano uli mag sisimula ng wala kna sa tabi ko😭😭 alam kong Lumaban ka tulad ng pangako mo sken bago ka maoperahan na hintayin kita at Lalaban ka 😭.

"Alam kong ginawa mo lhat ng makakaya mo para Lumaban kase pag kinakausap kita sa ICU kht umiiyak ka😭😭😭 sobrang sakit sobramg hirap alam ng lhat at Lalong alam mo kung Gaano kita kamahal at Lalong alam ko po kung gaano mko kamahal magpapakasal pa tayo eh mag bababy pa tayo napakadami pa nten plano.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Nasanay akong ikiss ka bago matulog at pagkagsing kayakap ka buong mag damag pano nko Love pano nko😭😭😭😭 ayokong mahirapan ka pa kaya kung san ka man ngaun magpahinga kapo at wala knang sakit na mararamdaman dko na sasabihn gagawin ko nlng na kht wala kna andto pdn ako sa likod ng pamilya mo na pamilya ko naren napaka hirap tanggapin pero kailangan😭😭😭😭 MAHAL NA MAHAL PO KITA LOVE KO AT D MAG BABAGO YAN KAILANMAN😭😭😭😭😭😭😭😭"

Pumanaw angPilipinas Got Talent Season 1 winnerna si Jovit Baldivino nitong Biyernes, Disyembre 9, sa Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/12/09/singer-na-si-jovit-baldivino-pumanaw-na/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/09/singer-na-si-jovit-baldivino-pumanaw-na/

Samantala,naglabas na ng pahayag ang pamilya ni Jovit Baldivino hinggil sa pagpanaw ng singer.

Inilabas ang pahayag sa pamamagitan ni Jerry Telan, dating handler ng 29-anyos na singer sa Star Magic.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/12/09/jovit-baldivino-na-comatose-ng-5-araw-bago-pumanaw-ayon-sa-pamilya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/09/jovit-baldivino-na-comatose-ng-5-araw-bago-pumanaw-ayon-sa-pamilya/