Isa rin si Angeline Quinto sa mga nagluluksa sa pagkawala ng Pilipinas Got Talent Season 1 winner na si Jovit Baldivino nitong Biyernes, Disyembre 9.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Angeline na hindi niya makakalimutan ang kakulitan ni Jovit at kung gaano raw ito kasweet sa mga tagahanganito.

"Isa sa pinakamagandang boses at pinakamabait na naka trabaho ko nung nagsisimula ako sa industriya," sey ni Ange.

"Hindi ko makakalimutan ang kakulitan mo Jovs. Lalo kung gaano ka kasweet sa mga taga hanga mo. Napaka aga naman masyado Jovs. Sana hindi nalang totoo na nangyari ito.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Salamat Jovit sa pagkakaibigan at mga pagkakataon na makatrabaho kita. Kantahan at pasayahin mo sila dyan sa langit ah Jovs🙏🤍Mahal na mahal ka namin🙏🙏😢"

Sa naturang post, makikita ang ilang mga larawan nila kung saan sila ay nagpeperform.

Pumanaw si Jovit nitong Biyernes, Disyembre 9, sa Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/12/09/singer-na-si-jovit-baldivino-pumanaw-na/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/09/singer-na-si-jovit-baldivino-pumanaw-na/

Naglabas din ng pahayag ang naiwan niyang pamilya hinggil sa kaniyang pagpanaw.

Inilabas ang naturang pahayag sa pamamagitan ni Jerry Telan, dating handler ng 29-anyos na singer sa Star Magic.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/12/09/jovit-baldivino-na-comatose-ng-5-araw-bago-pumanaw-ayon-sa-pamilya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/09/jovit-baldivino-na-comatose-ng-5-araw-bago-pumanaw-ayon-sa-pamilya/