Nagluluksa ngayon ang singer na si Marcelito Pomoy sa pagpanaw ng malapit niyang kaibigan na si Jovit Baldivino. 

Kuwento ni Pomoy, dakong alas-3:33 ng umaga ngayong Biyernes ay pinipilit pa nilang kausapin at gisingin si Jovit baka sakaling magmilagro pa. 

Aniya, sobrang sakit daw na mawalan ng kaibigan lalo't si Jovit daw ang unang sumuporta sa kaniya sa laban niya sa Pilipinas Got Talent Season 2. 

"Parekoy…. 3:33AM this morning pinipilit ka pa naming kausapin at gisingin baka magmilagro pa… sobrang sakit mawalan ng isang kaibigan.. ikaw yong taong unang sumuporta sa laban ko sa PGT," saad ni Pomoy sa kaniyang Facebook account nitong Biyernes.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Pahinga ka na… no more pain parekoy… isa kang tunay na kaibigan… hinding hindi kita malilimutan," dagdag pa niya.

Kinausap din daw niya ang pamilya ni Jovit kung puwede silang mag-raise ng fund para sa kaibigan.

"From the day na tinakbo ka sa ICU… pinuntahan agad kita.. talked to the family if we can raise funds for you.. if we can do concert for a cause for you but its too late now… contacted all the generous and people with a big heart all over the world to help you parekoy," aniya.

"Thank you so so much to all those who helped Jovit… thank you for being with us during Jovit’s fight," dagdag pa ng PGT Season 2 winner.

Samantala, sa mga kapwa Pinoy na nasa Amerika o ibang bansa na nais tumulong sa naiwang pamilya ni Jovit, nag-iwan si Pomoy ng account number na puwedeng padalhan ng tulong.

"To those who are in the US and other country… a little help for Jovit’s family would mean a lot right now. Here is the zelle account…you can transfer it here then we will send it to the family… maraming maraming salamat po.

"Sherly Cheng Zelle number 5037463900"

KAUGNAY NA BALITA: https://balita.net.ph/2022/12/09/jovit-baldivino-na-comatose-ng-5-araw-bago-pumanaw-ayon-sa-pamilya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/09/jovit-baldivino-na-comatose-ng-5-araw-bago-pumanaw-ayon-sa-pamilya/