May rebelasyon ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ng Kapuso actor na si Mavy Legaspi.

Sa panayam ni Kyline sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Miyerkules, sinabi niyang wala pa silang opisyal na relasyon ni Mavy.

"Sa amin po ni Mavy, wala pa naman pong official relationship," pagbubunyag ng aktres. 

Mapapansin naman kasi talaga ang closeness at sweetness nilang dalawa sa mga social media accounts nila. 

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sey pa ni Kyline, nakakausap niya sina Barbie Forteza at Bianca Umali pagdating sa usaping pag-ibig dahil sila raw ang may pinakahabang taon nang nasa relasyon.