Iniimbitahan umano ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang transgender at Thailand internet sensation na si Sitangsu Buathong o mas kilalang "Mother Sitang" na mag-cameo sa kaniyang upcoming film. 

"Hi Mother Sitang, I am a problematic director from the Philippines, may I invite you to have a cameo for my upcoming film that will be shot 2nd quarter 2023?" sey ni Yap sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Disyembre 8.

Pinagdadala rin niya ito ng kulay pink na outfits.

"You will have a very important role, please bring pink outfits. Thanks," dagdag pa niya. 

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Wala naman siyang nabanggit kung sino ang gagampanan ni Mother Sitang sa upcoming film niya. 

Gayunman, ang itinag ni Yap na Facebook account ni Mother Sitang ay hindi opisyal na account. 

Samantala, tila suportado ng mga fans ng direktor sa naturang post. Alam na raw nila kung sino ang gagampanan nito.

"Buset! 🤣😂🤣😂 namimiss ko manager kong nasa Canada kada post ni direk ganyan din yon eh straight siya pero grabe mambully at mang asar pero saksakan ng bait ☺️"

"ikaw yung Direktor na malakas mangasar pero kwela😁 love you po Direk Darryl Yap😉❤️💚🇵🇭"

"AHAHAHAHAHAHAHA alam na dz! I love your taste Direk hahahaha!! #xeroxcopy🤣🤣🤣"

"Ahahahahhahaah alam ko agad kung kaninong kamukha hahahahaha😄😃😃😃😃"

"Straight forward, but not direct to the point. Sapol direk Darryl Yap😅😅 lab it!"

"hahahahaha parang alam kona sino gaganapan ni kitang hahahahaha dami kong tawa.ate krissy"

"Haha.... Sakto mother sitang is just the perfect person to portray that specific role ..."

"Lintik ka direk!! Napalingon mga amo ko dahil Bigla akung humalapak ang tawan hahahaha"

"Hoyyyyyyyyy!!!!!! Hahaha! Grabehan talaga si Direk! 🫣😂😂😂😂"

"Forda role ba ni lenlen yan direk..woww nkk excite nmn.bagay na bagay nia...🤣"

"Hahaha 😂 Dami ko tawa mas marami pa sa 10,000 ni Cayetano"