Inamin ni Pambansang Bae Alden Richards na noong nasa bakuran pa lamang ng ABS-CBN noon si Bea Alonzo, biniro na niya itong sana ay magkatrabaho sila at lumipat na sana ito ng network.

Naganap ang pag-amin sa media conference para sa pagtatapos ng "Start-Up PH" kung saan humarap sa press ang apat na bida, kasama sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.

Open naman sa lahat na isa sa mga wish ni Alden na makatrabaho ay sina Bea at ang katambal nitong si John Lloyd Cruz na nasa bakuran na rin ng Kapuso Network.

"Sinabi ko po na sana maka-work ka, sana lumipat ka (Bea). Hindi pa po siya Kapuso that time," sey ni Alden.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

"Nagbibiruan, oo, sabi ko lipat ka na sa amin. Ganun po, naghihilahan po kaming dalawa, but ‘yun nga…"

Sumingit naman si Bea na ganoon din ang hirit niya kay Alden, pero sa huli, si Alden ang nagtagumpay dahil lumipat na nga sa Kapuso Network ang tinaguriang Movie Queen noong 2021.

Mas nauna pang magtambal ang dalawa sa Start-Up PH kaysa sa pelikulang pagsasamahan sana nila sa ilalim ng GMA Pictures.