BAGUIO CITY -- Nagdadalamhati ngayon ang empleyado ng Department of Agriculture-Cordillera sa pagkamatay ng dalawa nilang kasamahan sa isang aksidenteng naganap sa Ramon, Isabela nitong Huwebes ng madaling araw, Disyembre 8.

Kinilala ang mga nasawi na sakay ng foton closed wing van na sina Karen Briones at Addison Kyle La-ao, parehong empleyado ng DA-CAR.

Sugatan at ginagamot ngayon sa Southern Isabela Medical Center, Santiago City,  ang kanilang drayber na si Tommy Timoteo,  na pawang mga residente ng Itogon, Benguet.

Sa report ng Ramon Municipal Police Station, bumabaybay sa highway ang mga biktima na may kargang sako-sakong bigas patungong South direksyon at nang makarating sa Barangay Bugallon Proper, Ramon,I sabela, malapit sa isang gasoline station, nasalpok ng humaharurot na Toyota Vios ang paparating na closed van.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa lakas ng impact, bumangga ang closed van sa paparating na trailer truck na minamaneho ni Mark Andy Bago, residente ng Bantay, Solana, Cagayan.

Namatay on the spot ang dalawang biktima.

Sa mabilis na follow-up ng pulisya, nahuli ang tumakas na drayber ng Toyota Vios na si Allan Mark Barroza, 34, negosyante at residente ng Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Ayon sa pulisya, nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang drayber ng Vios nang siya ay magmaneho.