Halos ayaw na pakawalan ng mga anak na si Bruno at Ice sa pagkakayakap ang kanilang amang si Vhong Navarro nang makauwi ito sa kanila matapos pansamantalang makalaya nitong Martes.

Ito ang impormasyon na ibinahagi ng manager at kolumnistang si Ogie Diaz sa kaniyang vlog ngayong Miyerkules, ayon mismo sa mga ina ng mga bata na sina Ciara at Bianca Lapus.

Dahil sa tinamo ring anxiety ng mga anak nang sumuko ang ama noong Setyembre, abot-abot ang naging saya ng dalawa nang sa wakas ay makauwi at kasama na nila muli ang ama matapos ang mahigit dalawang buwan.

“Pagdating ni Vhong sa kanilang bahay ay nagtatatalon ang mga bata sa tuwa. Napakahigpit na yakap na halos ayaw nang pakawalan si Vhong ng kaniyang mga anak,” anang ulat ni Ogie Diaz.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

“Nag-iyakan din ang mga ito dala ng pagkamiss nila sa kanilang Daddy Vhong,” dagdag nito.

Dinalaw rin agad umano ang aktor ng mga malalapit na kaibigan.

Nauna nang sinabi ng misis ni Vhong na si Tanya Navarro na “very good Christmas” ang natanggap na agad ng kanilang pamilya nitong Martes.

Matatandaang matapos masuri ang hindi pagkakatugma-tugma sa mga testimonya ng modelong si Deniece Cornejo sa isinampang kasong rape laban sa aktor, kinatigan ng korte ang naging bail petition ng kampo nito.

Umabot sa P1 milyon ang hiniling na piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng aktor habang patuloy na dinidinig ang kasong rape.

Basahin: Vhong Navarro, pinayagan makapagpiyansa, anang kaniyang abogado – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, sa ngayon, magpapahinga muna at susulitin ni Vhong ang kaniyang panahon kasama ang pamilya.

Nakatakda naman siyang magbalik bilang host sa “It’s Showtime,” ayon na rin sa kaniyang misis.

&t=95s