Tila may "parody" ang komedyanteng si Alex Calleja at TV5 news anchor/TV host na si Gretchen Ho sa mga "snob issues" na pinag-uusapan ngayon.

"Nagulat ako kasi hindi man lang ako pinansin ni Gretchen Ho Kahit kaway o hello man lang!" tweet ni Alex.

May hashtag pa itong "#MayManiniwalaDitoPustahan".

Sa video clip na ibinahagi ni Alex sa kaniyang Twitter, makikitang tinawag niya si Gretchen subalit tila hindi siya nito pinansin at nagtuloy-tuloy lamang itong naglakad papasok sa isang studio.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Uy, si Gretchen Ho 'to… sandali," kunwari ay saad ni Alex at tinawag si Gretchen subalit tuloy-tuloy lamang itong naglakad habang may hawak na cellphone.

"Gretchen, pansinin mo naman…. Gretchen! Gretchen kahit kaway lang, Gretchen! Gretchen! Gretchen Ho! Gretchen Ho!"

"Bakit sila ganun? Bakit siya ganun? Ang tagal kong naghintay rito," kunwari ay naiiyak na saad ni Alex with matching pahid pa ng mga mata.

Niretweet naman ni Gretchen ang video at kinomentuhan, "Naka-airpods ako."

https://twitter.com/gretchenho/status/1600066734123515905?fbclid=IwAR1jzlSRuplZH6NLsYe5QUyhysvlV0S8eDgzDOCa0XPJxay1wWOQs-8b8tM

Matatandaang naging isyu ang pang-iisnab umano ng Choco Mucho Flying Titans sa kanilang mga nakaabang na tagahanga habang sila ay nasa Boracay.

Sinita sila ni motivational speaker/fitness coach Rendon Labador.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/01/rendon-labador-pinatutsadahan-ang-isang-volleyball-team-na-hindi-namamansin-sa-fans/">https://balita.net.ph/2022/12/01/rendon-labador-pinatutsadahan-ang-isang-volleyball-team-na-hindi-namamansin-sa-fans/

"Sumawsaw" na rin sa isyu si GMA trivia master/TV host Kuya Kim Atienza.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/04/irritating-yet-sad-sight-kuya-kim-nag-react-sa-viral-video-ng-pang-iisnab-ng-isang-volleyball-team-sa-fans/">https://balita.net.ph/2022/12/04/irritating-yet-sad-sight-kuya-kim-nag-react-sa-viral-video-ng-pang-iisnab-ng-isang-volleyball-team-sa-fans/

Tila nagpasaring na rin dito ang showbiz columnist na si Ogie Diaz.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/06/ogie-diaz-pabirong-humirit-bet-mainterbyu-si-deanna-wong-kaya-lang-baka-isnabin-daw-siya/">https://balita.net.ph/2022/12/06/ogie-diaz-pabirong-humirit-bet-mainterbyu-si-deanna-wong-kaya-lang-baka-isnabin-daw-siya/

Bukod dito, naisyu ring isnabera ang volleyball star player nitong si Deanna Wong.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/05/deanna-wong-dinepensahan-ng-fans-dedmadela-sa-mga-intriga-kasama-si-ivy-lacsina-sa-palawan/">https://balita.net.ph/2022/12/05/deanna-wong-dinepensahan-ng-fans-dedmadela-sa-mga-intriga-kasama-si-ivy-lacsina-sa-palawan/

Naglabas naman kaagad ng opisyal na pahayag ang volleyball team tungkol dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/05/pamunuan-ng-choco-mucho-flying-titans-dinepensahan-ang-kupunan-vs-pandededma-viral-video/">https://balita.net.ph/2022/12/05/pamunuan-ng-choco-mucho-flying-titans-dinepensahan-ang-kupunan-vs-pandededma-viral-video/

Nangako naman ang partner ni Deanna na si Ivy Lacsina na sasamahan niya sa "laban" nito ang jowa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/06/andito-ako-para-samahan-ka-ivy-lacsina-kasama-sa-laban-ng-partner-na-si-deanna-wong/">https://balita.net.ph/2022/12/06/andito-ako-para-samahan-ka-ivy-lacsina-kasama-sa-laban-ng-partner-na-si-deanna-wong/

Ngayong Miyerkules, Disyembre 7, napabalitang kumaway at namansin si Deanna sa isang tagahanga habang nasa bakasyon sila ng partner na si Ivy Lacsina sa El Nido, Palawan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/07/deanna-wong-todo-ngiting-namansin-kumaway-sa-isang-fan-habang-nakabakasyon-sa-el-nido/">https://balita.net.ph/2022/12/07/deanna-wong-todo-ngiting-namansin-kumaway-sa-isang-fan-habang-nakabakasyon-sa-el-nido/

Inireklamo naman ng komedyanteng si Tuesday Vargas ang mga "batang artistang" naka-engkuwentro niya't nang-isnab umano sa kaniya sa isang event.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/04/tuesday-vargas-gigil-sa-pang-iisnab-ng-naka-engkwentrong-mga-batang-artista-umattitude-sa-event/">https://balita.net.ph/2022/12/04/tuesday-vargas-gigil-sa-pang-iisnab-ng-naka-engkwentrong-mga-batang-artista-umattitude-sa-event/

Sa latest update, tumawag at nag-sorry daw sa kaniya ang road manager ng bagets. Ayon sa espekulasyon ng mga netizen, ang tinutukoy raw niya ay ang "KDLex" o sina KD Estrada at Alexa Ilacad.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/06/road-manager-nag-sorry-daw-kdlex-tinutukoy-ni-tuesday-vargas-na-umisnab-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/12/06/road-manager-nag-sorry-daw-kdlex-tinutukoy-ni-tuesday-vargas-na-umisnab-sa-kaniya/