Usap-usapan ngayon ang latest Instagram post ng Kapamilya actress na si Alexa Ilacad, na bagama't idinaan sa biro, ay tila makahulugan.

Ibinahagi ni Alexa ang dalawang litrato niya habang nakasuot ng dress at todo-awra sa camera.

"Kung may problema ka saaakin, GRABE!! Ang ganda naman ng problema mo. Char," aniya sa caption.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Nagkomento naman dito ang singer na si Janine Berdin.

"I think I am in love with you."

Sey naman ni Francine Diaz, "Napakaganda mo naman loveteam, puwede dahan-dahan lang?"

Matatandaang nakaladkad ang pangalan nila ng katambal na si KD Estrada sa "snob issue" na ibinahagi ng komedyanteng si Tuesday Vargas sa social media.

Kinuyog naman ng kanilang tagahanga ang komedyante, lalo na sa update nito sa Twitter na tumawag sa kaniya ang road manager ng tinutukoy niyang umisnab sa kaniya.

Walang binanggit na pangalan si Tuesday subalit ang lumulutang na pangalan ay ang KDLex.