Nagdiriwang ng kaarawan ang "Miss Q&A" Season 1 Grand Winner na si Juliana Parizcova Segovia ayon sa kaniyang latest social media post ngayong Miyerkules, Disyembre 7, 2022.

May alay na birthday message ang komedyante para sa kaniyang sarili.

"Happy birthday self🎂🎂🎂… isa na namang taon ang napagtagumpayan natin 🤗 at panibagong taon ang susuungin natin kaya tatagan mo pa, lakasan mo pa, galingan mo pa, sipagan mo pa… wala akong ibang hiling kundi matupad lahat ng hiling at pangarap ng Nanay ko, ang Pangarap nya ang pangarap ko.. at sa tulong ng Panginoon at ng mga mabubuting tao sa paligid ko maisasakatuparan ko ito."

"Salamat sa lahat ng pagmamahal nyo..Cheers to life 🥂, aniya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Bumaha naman ng pagbati sa kaniya mula sa mga netizen at celebrity gaya nina Hero Angeles, Diego Loyzaga, Mark Manicad, at Arlene Muhlach.