Tataas pa at inaasahang papalo na sa mahigit ₱368 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa susunod na bola nito sa Biyernes ng gabi, Disyembre 9.

Sa paabiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, nabatid na wala pa ring nakahula sa six-digit winning combination ng UltraLotto 6/58 na 53 -23 -46 -22 -58 -09, na binola nitong Martes ng gabi, Disyembre 6.

Dahil dito, wala pa ring pinalad na makapag-uwi ng katumbas nitong premyo na tumataginting na ₱348,374,388.00.

Mayroon namang 18 mananaya na nakapag-uwi ng tig-₱120,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Samantala, muli namang hinimok ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games, partikular na ang lotto.

Ayon kay Robles, walang talo sa pagtaya sa lotto dahil sa halagang ₱20 lamang ay makakatulong ka na sa kawanggawa at magkakaroon ka pa ng tiyansang maging susunod na lotto millionaire.