Ibinida kamakailan ng showbiz columnist at talent manager na si Manay Lolit Solis ang pagdalaw sa kaniya ng alagang si Kapuso actor Paolo Contis habang siya ay nasa dialysis session, kaugnay ng kaniyang kidney problem.

Wala man sa litrato ay mukhang isinama ni Paolo ang kaniyang rumored girlfriend na si Yen Santos. Matatandaang kamakailan lamang ay naging laman na naman ng mga balita ang dalawa, matapos nilang magkita at magdiwang ng kaarawan ni Yen sa isang hotel sa Mandaluyong City noong Nobyembre 17, matapos daw ang Gabi ng Parangal ng 45th FAMAS kung saan nagwaging "Best Actress" si Yen. Nobyembre 20 naman ang eksaktong kaarawan ni Yen.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/21/lantad-na-paolo-tinawag-na-my-best-actress-si-yen-magkasamang-nagdiwang-ng-bertdey/">https://balita.net.ph/2022/11/21/lantad-na-paolo-tinawag-na-my-best-actress-si-yen-magkasamang-nagdiwang-ng-bertdey/

"Happy Birthday My Best Actress!," caption ni Paolo sa kaniyang IG post. Kalakip nito ang ilan sa mga litrato nila habang magkasama sa magagandang spots sa lugar kung saan naroon sila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makikitang may cake pa si Yen na may nakasinding kandila sa ibabaw nito, at may nakasulat na "Happy Birthday" sa platong kinalalagyan nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/21/paolo-contis-trending-matapos-ang-pag-flex-na-magkasama-sila-ni-yen-sa-bertdey-nito/">https://balita.net.ph/2022/11/21/paolo-contis-trending-matapos-ang-pag-flex-na-magkasama-sila-ni-yen-sa-bertdey-nito/

Marami ang nagbigay ng espekulasyong unti-unti na raw inilalantad ng dalawa ang kanilang tunay na relasyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/20/paolo-at-yen-namataang-hhww-na-nag-check-in-daw-sa-hotel-matapos-ang-awards-night-ng-urian/">https://balita.net.ph/2022/11/20/paolo-at-yen-namataang-hhww-na-nag-check-in-daw-sa-hotel-matapos-ang-awards-night-ng-urian/

Anyway, tuwang-tuwa si Lolit sa ginawang pagdalaw ng alaga sa kaniya.

"Naku Salve ha, nagulo na naman ang dialysis session ko. Kasi nga pag dinadalaw ako ng mga alaga ko, pa-picture lahat sa room, kalokah ! Eh in fairness lahat ng alaga ko very friendly kaya ok lang sa kanila ang picture taking at pagkaguluhan ng mga fans nila."

"Hanga ako ngayon sa physique ni Paolo dahil fit na fit siya. At mukhang very stable siya ngayon. Talagang mukha siyang happy at contented, kaya sinuman ang love niya ngayon good influence sa kaniya," ani Lolit.

"At palagay ko ito ang inspiration na matagal ng hinihintay ni Paolo Contis. Clue Salve at Gorgy, ibigay na natin, ang lucky girl, si Yen Santos. Bongga!"

Sa isa pang IG post kung saan pinasalamatan ni Lolit ang mga alagang dumalaw sa kaniya, ibinidang muli ni Lolit si Paolo.

"Nag-enjoy ako sa mga kalokohan ni Paolo Contis na introduced ako kay Yen Santos as friend, heh heh, pero may I Love You, kalokah!"

Sa ngayon ay wala nang balita ulit kina Paolo at Yen.