Merry na merry ang pasko ng mga empleyado ng negosyanteng si Sam Verzosa matapos magpamudmod nito ng luxury items sa kaniyang mga empleyado sa Japan.

Ito ang matutunghayan sa serye ng Instagram update ng Frontrow Enterprise CEO & President nitong, Lunes at Martes.

Sa unang IG update noong Lunes, isang reel ang ibinahagi ng negosyante kung saan makikitang abalang nakapila ang kaniyang mga empleyado sa counter ng kilalang Louis Vuitton.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

“Walang katumbas na saya sa puso ko na matanggap ang bawat yakap nyo at saya sa inyong mga mata. Mahal ko kayong lahat,” mababasang mensahe ni Sam sa kaniyang Frontrow Family.

Nitong Martes, serye ng mga larawan at video naman ang ibinahagi ni Sam kung saan all-smile at may tig-iisang bag ng LV ang kaniyang mga empleyado.

Napa-react naman ang ilang kaibigang celebrities ni Sam sa kawang-gawa nito.

“Santa Claus Verzosa,” ani Tim Yap.

Segunda ng aktor na si Randy Santiago, “Parang hindi ako naabisuhan diyan Cong@samverzosa😮 Kelan susunod niyong sugod [sa] LV😍.”

Maliban sa pa-shopping galore ng negosyante, all-expense paid din ni Sam ang biyahe ng kaniyang mga empleyado sa pamosong Japan.