Muli na ngang magbabalik sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa taong 2023 ang aktor na si Coco Martin matapos ang pitong taong pamamayagpag ng "FPJ's Ang Probinsiyano," ayon sa ginanap na media conference kaugnay nito.

Ipinakilala na sa publiko ang makakasama ni Coco sa bagong serye na isa na namang remake ng pelikula ni Da King Fernando Poe Jr., ang "Batang Quiapo".

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1599769909827088397

Makakasama sa naturang proyekto ang anak ni Da King na si Lovi Poe, at si ABS-CBN Chief Content Officer Charo Santos-Concio, na kamakailan lamang ay nagpaalam na sa "Maalaala Mo Kaya".

Makakasama rin dito ang mga batikang artistang sina Cherry Pie Picache, Susan Africa, John Estrada, Mercedes Cabral, Tommy Abuel, Allan Paule, Pen Medina, Christopher De Leon, kapatid ni Coco na si Ronwaldo Martin, Mark Lapid, at Senador Lito Lapid.

Sina Malu Sevilla at Coco ang mga direktor nito.

https://twitter.com/mjfelipe/status/1599782946759905280

Ang naturang action-drama series ay ihahatid ng Dreamscape Productions ni Deo Endrinal.

Na-excite naman ang mga netizen at may ibang nagbiro pa na pitong taon o higit pa ang naturang serye.