Nilinaw ng misis ni Pilipinas Got Talent Season 1 Jovit Baldivino na hindi nag-collapse ang kaniyang mister habang nasa isang party sa Batangas, subalit totoong naospital ito noong Disyembre 4, 2022.

Ayon sa misis ni Jovit na si Camille Ann Miguel, fake news umano ang mga naunang balitang nag-collapse o nahimatay si Jovit, at may ilan pang nagsabing nasa comatose stage ito.

"Mababasa sa kaniyang caption sa Facebook post, "Sa lahat po ng nagpo-post (tungkol) sa asawa ko siguraduhin n'yong tama ang post n'yo at di kayo nakakatulong lalo n'yo pinalalala di kayo nakakatulong, matuto kayo humingi ng permission… 'wag n'yo pong palalain ang sitwasyon niya!!!!!!"

"Makapagpost lang kayo… prayers po ang kailangan namin di ang maling post n'yo!"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ibinahagi rin ito sa account ni Jovit na nangangahulugang nasa maayos na lagay ang singer.

Huling napanood si Jovit bilang contestant sa "Family Feud" sa GMA Network.