May pabirong hirit ang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz hinggil sa kontrobersiyal na volleyball star player ng "Choco Mucho Flying Titans" na si Deanna Wong, na nasa kumukulong tubig ng intriga ngayon dahil sa isyu ng pang-iisnab umano sa ilang fans.

Bago ang naturang isyu, nauna munang lumabas ang viral video nila ng team mates kung saan makikitang hindi raw nila pinansin, nginitian, o kinawayan man lamang ang mga tagahanga nila, nang sila ay nasa Boracay. Bagay na pinatutsadahan naman ng motivational speaker/fitness coach/vlogger na si Rendon Labador.

Nagbigay na rin ng komento rito si GMA trivia master/TV host Kuya Kim Atienza.

Samantala, tila dedma naman dito si Deanna habang nasa bakasyon sa El Nido, Palawan kasama ang kaniyang partner na si Ivy Lacsina.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Si Ivy Lacsina naman ay nag-iwan ng sweet message para sa kaniya, na sasamahan ito sa "labang" kinahaharap nito ngayon, hindi sa volleyball court, kundi sa bashers at haters.

Kagabi ng Lunes, Disyembre 5, naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng team hinggil sa isyu.

Samantala, isang netizen naman ang nag-tag kay Ogie at nag-request dito na kapanayamin si Deanna at ang Choco Mucho team pagbalik nito mula sa bakasyon, upang marinig naman ang panig niya.

"@ogiediaz painterview naman Choco Mucho hindi nila deserve maghusgahan ng kung sinu-sino lang," sey ng netizen.

Niretweet naman ito ni Ogie at kinomentuhan.

"Gusto ko nga interbyuhin si @deannawongst eh. Hehehe. Baka isnabin ako," hirit ni Ogie.

https://twitter.com/ogiediaz/status/1599530984877461504

Sa isa pang tweet ay hinahanap naman ni Ogie ang viral video ng team.

"Asan ba yung video na nang-isnab ang mga volleyball players ng mga fans? Patingin naman," ani Ogie.

https://twitter.com/ogiediaz/status/1599707913408630784