Bilang Marcos Loyalist, kilig na kilig si Manay Lolit Solis nang padalhan siya ni Pangulong Bongbong Marcos ng bulaklak habang nasa dialysis session siya. 

Ibinahagi ito ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Disyembre 6. 

Sa unang bahagi ng caption, tumulong daw sa kaniyang ang Queen of all Media na si Kris Aquino sa kabila na may sakit din ito.

 

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Ayaw ko sana IG ito Salve, baka sabihin nagyayabang ako. In fairness ng malaman niya health condition ko unang una nagtanong kung ano puwede niya itulong si Kris Aquino. At maysakit pa siya ng lagay na iyon ha," sey ni Lolit.

Sa tingin pa niya, kaya raw nakarating kay Pangulong Marcos ang health condition niya dahil kay Usec. Honey Rose Mercado ng Presidential Management Staff. 

"Tapos dahil sa regular ang batian namin sa text ni Usec Honey Rose Mercado, nalaman na at naiparating niya siguro kay President Bongbong Marcos at First Lady Liza Marcos ang aking health condition, na nagda dialysis ako twice a week. Bongga na may biglang dumating na flowers sa aking dialysis session mula kay Papa Bongbong Marcos," anang talent manager.

"Eversince, open ako sa pagiging Marcos loyalist dahil eversince type ko si Imee Marcos at President Ferdinand Marcos. Kaya kilig na kilig ako ng dumating ang flowers ni PBBM sa FEU Dialysis center. Bongga di ba ! Pero ang hindi ko talaga inasahan, na tiyak ko na utang na loob ko na naman kay Usec Honey Rose iyon pagdating ng isang PSG sa bahay ko na may dalang ayuda mula sa Office of the President," dagdag pa niya. 

Napaisip tuloy siya kung ano raw ang ginawa niya para makuha ang kabutihan ng mga tumulong sa kaniya kahit na kontrobersyal daw siya.

"What have I done to deserves such kindness ? Mula Kris Aquino, hanggang Bongbong Marcos may nakukuha akong pagmamahal. How lucky can one get to be deserving of such attention di ba ? Kaya nga Salve at Gorgy, isang bagay ito na talagang lagi kong ipagmamalaki, I maybe the controversial Lolit Solis, either you love or hate me, pero may mga tao parin nakikita na worth akong mahalin," aniya.

"For that I am so thankful and grateful. So kahit ano pa sabihin, kahit ano pa ang gawin wala ng puwede pang magpabago sa kung anuman ako mula nuon hangga ngayon , take me for what I am. Don't tell me mas mataas pa level nyo kay Kris o kay Bongbong noh. Maging tulad kayo ni Gorgy at Salve na love ako kahit ano pa ginagawa ko, kaya tignan nyo, bongga sila. Hah hah, siyempre, share kami sa lahat ng suwerte kaya bongga di bah ! Inggit na kayo dahil bongga kami, hah hah hah, joke lang po," sey pa ni Lolit.