Sa edad na 26-anyos, kaya pa sanang sumabak sa ilan pang naglalakihang beauty pageants ang ngayo'y Kapuso host at Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo.

Diretsang natanong nga ng isang pageant vlogger ang beauty queen ukol sa malinaw na plano nito sa kaniyang pageant career.

“I’m overwhelmed. I’m thankful that they can still see the potential in me to represent the Philippines once again,” paglalarawan ni Rabiya sa kaniyang nararamdaman sa tuwing hihikayatan pa ng fans na sumalang pa ulit sa beauty pageants.

Agad naman niyang kinuryente ang asadong fans sa naturang posibilidad.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

“But to be honest because of my contracts with GMA Network [and] with Empire [Philippines], I might not be able to do it again,” aniya.

“I’m just happy that once in my life I was called Miss Philippines and I guess my journey stops there. So I’m closing that chapter,” pagpupunto ni Rabiya bagaman hindi umano siya tuluyang tatalikod sa pageant industry.

Kung susumahin kasi sa kaniyang edad na 26, pasok pa rin ang beauty queen sa mga kompetisyon kabilang ang Miss World, Miss International, at Miss Earth o ang tinaguriang Big 4, kasama ang Miss Universe.

Basahin: Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Napa-throwback naman si Rabiya sa naging Miss Universe journey niya noong 2021.

“I’ve done my part and God knows I gave everything during that fight.”

Umabot sa Final 21 si Rabiya na nagselyu sa isang dekadang semifinals win streak ng Pilipinas sa nasabing kompetisyon mula 2010, sa pangunguna ng tinaguriang “drought-breaker” na si Venus Raj.

Si Andrea Meza ng bansang Mexico ang nag-uwi ng korona para sa taong 2020 na nagsilbi ng pinakamaikling reign mula Mayo hanggang Disyembre 2021.