Wala pa ring nakatitibag na female artist sa trono ng singer-songwriter na si Moira dela Torre sa loob na ng anim na sunod-sunod na taon.

Ito’y matapos na muli siyang itanghal ng Spotify Wrapped ngayong 2022 bilang most streamed Filipina artist.

Hawak ng tinaguriang queen of hugot songs ang nasabing trono mula pa noong 2017, at anim na sunod-sunod na taong napanindigan ito ng singer.

Ikaapat naman si Moira sa most streamed OPM artists ngayong taon sa pangunguna ni Zack Tabudlo sa unang puwesto, Ben&Ben sa ikalawang puwesto at Arthur Nery sa ikatlong puwesto.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Kasama rin sa listahan sina Adie, ang December Avenue, Nobita, Al James, ang Parokya ni Edgar at Eraserheads.

Maliban pa rito, ang singer-songwriter din ang most followed Filipino artist of all time sa Spotify.

Sa kabuuan, umani ng nasa 246.5 million streams si Moira sa paglabas ng taunang Spotify Wrapped ngayong taon.

Basahin: Mapanakit ulit? Bagong single ni Moira na ‘Kumpas,’ trending sa YouTube, TikTok – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngayon 2022 pa lang, dagdag sa mahabang discography ng singer ang dalawa na namang trending at viral hits na “Babalik Sa’yo,” at “Kumpas” mula sa patok na seryeng “2 Good 2 Be True.”

Sa isang Instagram post, aminadong hindi pa rin makapaniwala si Moira sa inaaning pagmamahal sa kaniyang musika ngayong taon.

“I can’t thank u enough. Ily [I love you] guys more than I can express. Thank u again,” mababasa sa post ni Moira, Lunes.