BACOOR CITY, Cavite – Arestado ng mga awtoridad ang isang Koreano dahil sa umano’y pagtangay ng ilang produkto sa department store ng isang mall sa Barangay Habay II noong Sabado, Disyembre 3.

Kinilala ng Bacoor City Police Station (CPS) ang suspek na si Han Young Jun, 52.

Sinabi ng pulisya na natangay umano ng suspek ang isang pakete ng collagen supplement at isang garapon ng face cream na may kabuuang halaga na P2,898.

Hinawakan ng isang security guard ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Nahaharap sa kasong theft ang suspek.

Carla Bauto Deña