Sa kabila ng kaliwa't kanang intrigang kinasasangkutan dahil sa isyu ng pang-iisnab ng kaniyang teammates, at maging siya, sa mga tagahangang kumukuha sa kanilang atensiyon, ibinahagi ni Choco Mucho Flying Titans volleyball star player Deanna Wong ang mga litrato nila ng rumored partner na si Ivy Lacsina, sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre 4.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/04/volleyball-star-player-deanna-mansin-ng-fan-socmed-personality-na-si-jai-asuncion-nag-sorry/">https://balita.net.ph/2022/12/04/volleyball-star-player-deanna-mansin-ng-fan-socmed-personality-na-si-jai-asuncion-nag-sorry/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/01/rendon-labador-pinatutsadahan-ang-isang-volleyball-team-na-hindi-namamansin-sa-fans/">https://balita.net.ph/2022/12/01/rendon-labador-pinatutsadahan-ang-isang-volleyball-team-na-hindi-namamansin-sa-fans/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/04/irritating-yet-sad-sight-kuya-kim-nag-react-sa-viral-video-ng-pang-iisnab-ng-isang-volleyball-team-sa-fans/">https://balita.net.ph/2022/12/04/irritating-yet-sad-sight-kuya-kim-nag-react-sa-viral-video-ng-pang-iisnab-ng-isang-volleyball-team-sa-fans/

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ayon sa lokasyong makikita sa post, sila ay nagbabakasyon ngayon sa El Nido, Palawan.

"Making the night special just by being in it," ani Deanna sa kaniyang caption, kalakip ang litrato nila ni Ivy.

Makikita rin sa kaniyang IG stories ang update patungkol sa kanilang bakasyon.

Sa comment section ay tinadtad si Deanna ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"In my opinion, she became famous for her pure talent. Hindi biro ang umaga’t gabi ng training, and siyempre it’s their vacation. They needed a break, and all so tired. It’s in you kung iidolohin mo ang isang tao or not. She did not pay all of you to be her fan, you chose to become her fan. And also if you're a true fan you will not post a certain video just to defame a person. They are also human, with emotions, we don’t know the backstory kung bakit wala cla sa mood that time."

"Enjoy love birds… kami na bahala sa bashers."

"Guys, kung ayaw mamansin, 'wag n'yo gawing idolo. Ganon lang yun. LIFE IS TOO SHORT, FOCUS TAYO SA SARILI NATIN ❤️ HAHAHAHA!"

"Ayaw daw kay deanna pero pumupunta pa sa ig para silipin ang ganap sa buhay ni deanna.. yung basher ka pero yung binabash mo wala pakialam sa'yo, iyak mga basher."

"Yung ibang mga 'fans' daw kasi, hindi marunong rumespeto sa tinatawag na privacy. Go Boss D, enjoy your vacation with your loved ones hehe."

Sa kabilang banda, may mga tumirada pa rin kay Deanna.

"Aaah basta ikaw yung feeling sikat na hindi namamansin."

"I'm sorry pero ang umiidolo diyan, hindi rin alam gamitin ang GMRC. Real talk."

"Isang hi naman jan hahahahaha."

"Mahal ba o nakakapagod simpleng sagot na hi o simpleng kaway lang? LOL".

Samantala, tahimik pa ang kampo ni Deanna sa isyu.