Present sa birthday party ng bunsong anak ng dating mag-asawang sina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Chesca Montano, ang kaniyang kuyang si Diego Loyzaga, na anak naman nina Cesar at aktres na si Teresa Loyzaga.

Dati pa man ay talagang close na si Diego sa kaniyang half sisters na sina Sam, Angelina, at Chesca, bagay na pinupuri naman ng mga netizen sa kanila.

"I love you, happy birthday @chesca.montano," saad ni Digeo sa kaniyang latest Instagram post kalakip ang isang blurred na litrato.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Ang kasama niya sa litrato ay si Chesca, na kinunan raw ni Sam.

Napakomento naman dito ang inang si Sunshine.

"Sobrang clear ng photo! We are happy to see you last night Diegs!"

"I loooove you kuya diego," tugon naman ni Chesca sa comment section.

Pinuri naman ng isang netizen ang relasyon ni Diego sa kaniyang mga kapatid sa ama.

"Ang relasyon ni Diego sa mga kapatid niya ay nagsasabi lang na mabuting ina ang kanilang mga ina. Sobrabg thumbs up talaga."

Isang netizen naman ang pabirong nagsabing mabuti na lamang at may caption ang litrato, dahil muntik na niyang mapagkamalang bagong jowa ang kasama ng aktor sa blurred na larawan.

"Kapag di na mentioned dito si baby sister.. iisipin ng mga marites bagong jowa moto Diegs sobrang clear kasi nong photo ahahahaha."

Sa isa pang IG post ay nagpa-birthday tribute si Diego sa birthday celebrator sa pamamagitan ng pagbabahagi ng throwback photos nito.