Nagsalita na umano ang kontrobersiyal na aktres na si AJ Raval hinggil sa intrigang nanganak na raw siya noong Nobyembre sa isang payak na ospital sa Pasig City, ayon sa impormante ng showbiz columnist na si Ogie Diaz.

Kuwento pa ng source ni Ogie na inilahad naman sa showbiz vlog nitong "Ogie Diaz Showbiz Update", nakatakip pa raw ang mukha ni AJ nang isugod sa ospital. Naispatan naman daw ang rumored partner ni AJ na si Aljur Abrenica sa labas ng ospital, na nasa loob lamang ng kaniyang sasakyan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/28/aj-raval-palihim-na-nanganak-na-raw-ispluk-ng-source-ni-ogie-diaz/">https://balita.net.ph/2022/11/28/aj-raval-palihim-na-nanganak-na-raw-ispluk-ng-source-ni-ogie-diaz/

Bagay na kinumpirma naman ng isa pang batikang showbiz insider na si Cristy Fermin. Aniya pa, huwag umanong pilitin si AJ kung ayaw pa nitong magsalita patungkol sa isyu. Hinamon din niya ang aktres na magpakita o magpa-interbyu nang live upang ipakita sa publiko kung may katotohanan o wala ang mga espekulasyon sa kaniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Iniisyu rin kasi ng mga netizen ang mga posts ni AJ sa social media niya; na kesyo old photos na raw ito kaya flat at mukha pa siyang fresh na fresh sa mga litrato niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/29/aj-raval-nag-post-ng-whole-body-pic-talak-ng-mga-netizen-ito-ba-yung-kapapanganak-lang/">https://balita.net.ph/2022/11/29/aj-raval-nag-post-ng-whole-body-pic-talak-ng-mga-netizen-ito-ba-yung-kapapanganak-lang/

Ayon naman sa isang ulat, nagkomento raw si AJ sa isang Facebook post at tinawag na "siraulo" ang mga nagke-claim na nanganak siya.

"Sira-ulo mga 'yan hahaha,” sey ni AJ.

“Nanahimik ako dito,” dagdag pa raw niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/28/sa-kabila-ng-intrigang-nanganak-na-raw-aj-nagpasilip-ng-malaking-christmas-tree-santa-claus/">https://balita.net.ph/2022/11/28/sa-kabila-ng-intrigang-nanganak-na-raw-aj-nagpasilip-ng-malaking-christmas-tree-santa-claus/

Sinubukang hanapin ng Balita Online ang naturang Facebook comment subalit hindi na ito matagpuan.