Kung kilala si John Fedellaga sa pagpapakilig sa ilang banyagang Omegle users, siya naman ngayon ang literal na pinakilig sa isang sorpresang proposal sa kaniya pang kaarawan kamakailan.

Ito ang ibinahagi ng internet superstar sa isang YouTube update, Linggo, kung saan kasama ang kaibigan at drag sister na si si Juro Cruz, ilang detalye ang natunghayan na ng kaniyang higit isang milyong subscribers.

Sa isang countryside sa Amerika napiling ipagdiwang ni John ang kaniyang ika-22 karaawan. Sa naturang vlog, ilang paghahanda ang ipinakita ng online personality sa kaniyang followers.

Hindi nakaligtas sa aberya ang magkaibigan kabilang na ang maligaw sa direksyon ng kanila sanang pagdarausan ng espesyal na okasyon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa kabila ng pagod, puyat at pagkangarag, naitawid nang masaya gayunpaman ang naturang selebrasyon.

Bukod pa rito, isang ‘di inaasahan at espesyal na alok ang natanggap pa ng YouTube star.

“One of the best [things] about this trip is, my boyfriend for twelve years finally proposed [to me],” nakangiting pagbabahagi ni John.

Pag-amin pa niya, akala niya’y isang prank na proposal lang ang naganap na aniya’y dala ng napapanuod na mga dog proposal prank online.

“I’m really happy kasi it’s been twelve years we’ve been together and finally we are engaged,” anang online personality..

“Actually, that day hindi ko ini-expect na may proposal na mangyayari pero parang iba kasi ‘yung araw na ‘yun so parang, ‘Is it just me or I’m just too special for today?’” patuloy na kuwento ni John.

“I wasn’t expecting na magpo-propose pala si [inaudible]. Naloka lang ako na yung may music siya ‘yung pine-play dun. Hindi ko naman din alam na paulit-ulit. 'Yun pala ‘di makabwelo,” dagdag niya.

Wala namang ibinahaging detalye si John ukol sa kaniyang partner at base sa intensyonal na pagtago sa pagkakakilanlan nito sa naturang vlog, malinaw na isang pribadong tao ang mapapangasawa ng internet personality.

‘I’m happy cause finally we are getting married. We’re engaged. It’s one of the best days of my life,” aniya.

Sa ngayon, wala pang partikular na detalye at plano ukol sa kasal ang dalawa.

Basahin: Omegle queen John Fedellaga, empleyado ng anong bigating US vehicle company? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid