Umani ng iba-ibang reaksiyon at komento ang paglalantad ng "The Voice Kids" season 1 champion na si Lyca Gairanod sa kaniyang non-showbiz boyfriend sa pagdiriwang ng kaniyang ika-18 kaarawan, gayundin sa kaniyang latest Instagram post kung saan makikitang magkahawak pa sila ng kamay habang tumatawid sa isang pedestrian lane.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/03/my-world-lyca-gairanod-iflinex-na-rin-ang-boyfriend-sa-social-media/">https://balita.net.ph/2022/12/03/my-world-lyca-gairanod-iflinex-na-rin-ang-boyfriend-sa-social-media/

Ayon sa isang vlogger na dumalo sa debut party ni Lyca, ang nobyo ni Lyca ay non-showbiz personality.

Basahin: Lyca Gairanod, may pa-jowa reveal sa kamakailang debut party – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Marami naman ang nag-congratulate kay Lyca sa kaniyang pa-jowa reveal, at nagpahatid ng mensaheng i-enjoy daw ng dalawa ang kanilang pagmamahalan habang sila ay bata pa, subalit mas marami ang nagbigay ng payo sa dalaga na unahin na muna niya ang career bago ang pagjojowa.

Dapat daw munang isipin ni Lyca ang hirap na kaniyang pinagdaanan bago ang pagpasok sa isang seryosong relasyon.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen, sa comment section ng Balita Online.

"OK lang mag-bf wag mo lang ibigay agad ang puri… lalo na napakabata mo pa… enjoy mo muna ang maging single ang mga lalaki anjan lang 'yan. Wag ka matakot na maubusan marami pa magkandarapa sa panliligaw sa iyo friendly reminder lang naman."

"Kilalanin mo muna mabuti veh… isipin mo lahat ng pinagdaanan mo mapunta ka lang diyan… baka pag niloko ka, (wag naman sana), madamay pati career mo."

"Naku! Bata ka pa dai… unahin mo muna career mo… tandaan mo ang hirap na dinanas mo dai."

"Ok lang mag-bf basta pangarap muna para sa pamilya para sa magandang kinabukasan."

"OK lang BF girl, basta wag na wag mong ibibigay ang lahat. Basta isipin mo na pamilya mo pa rin ang priority mo at saka wag magmadali. Darating din yung time na mag-aasawa ka pero dapat yung financially stable and siyempre yung forever mo na dapat na may malaking takot sa Diyos."

"Huwag padalos-dalos beh! Bata ka pa!"

"Magtapos ka muna ng pag-aaral he is not your world. Mag-isip isip ka rin para sa family at future mo. Bf nandyan lang 'yan need mo magtapos sa college at kumuha ng kurso na nababagay sa'yo. Too early to fall in love. Study first and get a degree."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Lyca kaugnay nito.