Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh sa kanilang showbiz-oriented vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang umano'y napapansin ng mga netizen kay Kapamilya actress Andrea Brillantes.

Nag-viral daw kasi ang isang litrato ni Blythe kung saan kapansin-pansin umano ang malaki niyang hinaharap. Espekulasyon ng mga marites ay mukhang "nagpadagdag" daw ang aktres.

Isa-isang binasa ni Mama Loi ang mga naging komento ng mga netizen.

"Andrea Brillantes, in love and blooming!"

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Gawa ba?"

"Malaki pa dede niya kay Pia Wurtzbach?"

"Di naman ganyan kalaki 'yang boobs niya dati."

"Ang laki-laki mo na Andrea!"

Marami pa sa mga netizen ang nagsabing magaling daw mag-alaga ng jowa ang nobyo nitong si basketball star Ricci Rivero. May nagsabi pang "Lupit ginawang bola ni Ricci Rivero yung boobs!"

"Nasobrahan yata sa dribol!" saad pa ng isa.

Sa puntong ito ay napa-react na ang mga hosts.

"Ano ba naman 'yan… mga tao (talaga)," anila.

Singit naman ni Ogie, tanong daw ng mga netizen eh kung nagpadagdag pa ng boobs itong si Blythe. Pagbabahagi pa ni Ogie, 2 months ago raw ay sinabihan pala si Andrea ng taga-ABS-CBN na kailangan na niyang magbawas-bawas ng timbang dahil tila napaparami na ang kain ng aktres.

Tumimo naman daw sa isipan ng aktres ang mga paalala sa kaniyang kailangan na niyang magdiyeta.

"Noong araw pa ay malaki na talaga ang boobey ni Andrea," hirit pa ni Ogie. "Eh yung pumayat, lalong lalaki 'yon kasi mas huhulma nang pumayat. So wala pong kinalaman yung pagdi-dribol, pagiging basketball player nitong si Ricci Rivero."

Nagbigay pa ng update si Ogie na pagdating sa Enero 2023 ay magkakaroon ng proyekto sina Andrea at Kyle Echarri dahil sila na ang ipinagtatambal ngayon.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Andrea o Ricci tungkol dito.