Tila ang kaniyang inang si Superstar Nora Aunor ang pinariringgan ng aktres na si Matet De Leon matapos nitong mag-post sa kaniyang Instagram account hinggil sa umano'y pagkompetensiya nito sa kaniyang negosyong gourmet tinapa at tuyo.

Ayon sa IG post ni Matet nitong Disyembre kung saan nakasarado ang comment section, "Would you do this to your children? HONOR THY FATHER AND MOTHER. HOW? How can I do that now? Ay, AMPON PALA AKO."

"Nung isang gabi, sinabihan ako na na mag-resell na lang ng products ng nanay ko. Pinaghihirapan namin ang pagtitinda. Bakit all of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko."

"Alam niyang may produkto akong ganyan.. Marami naman daw akong taping. Ano sa tngin niyo gagawin ko ngayon? Ano magandang gawin? Kung may anak kayo, GAGAWIN NIYO BA SA MGA ANAK NIYO TO?"

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang Superstar tungkol dito.