Usap-usapan ngayon sa social media ang mga litrato ni Janella Salvador na tila nakasuot ng Darna costume subalit ito ay kulay-green, batay sa kulay naman ng costume ng kaniyang ginagampanang karakter na si "Valentina", sa action-fantasy series na "Mars Ravelo's Darna: The TV Series".

Bagama't wala pang opisyal na pahayag na ibinibigay ang "JRB Creative Production" kung lehitimo bang ganito ang magiging plot twist sa serye, marami naman ang nagbigay ng espekulasyong baka ito muna ang magiging takbo ng kuwento habang nasa recovery stage pa si "Darna" Jane De Leon, na tinablan ng dengue at urinary tract infection o UTI.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/02/di-tumalab-ang-bato-darna-jane-de-leon-dinapuan-ng-dengue-positibo-sa-uti/">https://balita.net.ph/2022/12/02/di-tumalab-ang-bato-darna-jane-de-leon-dinapuan-ng-dengue-positibo-sa-uti/

Ito na raw ang pagkakataon para sa mga tagahanga ni Janella upang makita namang nakasuot ng Darna costume ang kanilang idolo.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Janella Salvador (Larawan mula sa Twitter)

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Kung ano ano na lang… Pero sayang talaga akala ko si Valentina/Janella ang aabangan sa Darna eh ang lakas ng hype sa kaniya before tapos waley pala! Sayang! This is interesting though nang makita naman what if siya ang Darna."

"May sakit si Jane De Leon kaya 'yan malamang reason bakit ipapasok ang green Darna. Wala si Jane kaya bibigyan ng ganiyang plot para si Janella muna ang magtake over. Interesting naman infer."

"Ooohhh. Kaya ba may paganito kasi may dengue si Jane at hindi makapagtaping? At least naisip nila to it looks exciting."

"Sige na. Whatever floats your boat. Kung para naman sa ikatataas ng ratings, why not? Support na lang tayo."

"To be fair, gumaganda na nga magmula noong magkaroon ng season 2, may mga inconsistencies pa rin pero naglevel up naman kahit papaano si Darna. Hindi ko nga lang matansya lagi tong si Regina/Valentina."

"Yung Darna 2005 ni Angel naging BLACK DARNA naman siya. Parang ginaya lang ng ABS yun ngayon."

Janella Salvador (Larawan mula sa Twitter)

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kay Janella o sa JRB patungkol dito.